Bahagi ng eroplanong bumagsak, dadalhin sa Maynila

IBIBYAHE na ngayong umaga ng Philippine Coast guard (PCG) sa Maynila ang mga narekober na bahagi ng eroplanong bumagsak na sinakyan ni dating DILG Sec.Jesse Robredo.

Ayon kay PCG Admiral Edmund Tan, ang wreckage ng Piper Seneca Plane ay inaasahang darating sa Manila South Harbor sa araw ng Huwebes.

Mula naman sa pier ay idederetso sa Civial Aviation Authority of the Philippines (CAAP) office sa Pasay City ang nasabing mga bahagi ng eroplano upang masuri ng 5-man special investigation committee .

Ang nasabing committee ay binuo ng CAAP sa pamumuno ni CAAP Accident Investigation Board Head Capt.Amado Soliman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply