Bahay ng Brgy. Chairman sa Cavite hinagisan ng granada

HINAGISAN ng granada ng di pa kilalang suspek ang bahay ng isang barangay chairman sa Cavite City kagabi.

Ayon sa ulat ni Barangay 14 Chairman Oscar Sabater, ang insidente ng pagpapasabog ay naganap bandang alas-10:00 kagabi nang may marinig siyang ibinatong bagay sa taas ng bubong bago sinabayan ng arangkada ng motorsiklo.

Nasira ang ilang bahagi ng hardin at garahe habang basag din ang salamin ng itim na Nissan Frontier ni Sabater Ilang sandali matapos ang naganap ang pagsabog.

Wala namang nalalaman ang biktima kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog na hinihinalang pulitika ang motibo nito.

Wala namang namatay o nasugatan sa insidente maliban sa mga nasirang bagy habang patuloy ang imbestigasyon ng Cavite Police sa nangyaring pagpapasabog

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply