Bahay ng parak nilooban; gamit, pera nilimas

NABIKTIMA ng akyat bahay ang isang police official sa Caloocan City, kaninang umaga.

Sa pahayag ni Inspector Michael Mendoza, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Camp Crame, dakong alas-6:20 ng umaga nang madiskubre niyang napasok ng magnanakaw ang kanyang bahay sa Gen. Luna St., ng lungsod.

Ayon kay Mendoza, nawawala ang kanyang P20,000 cash, laptop na nagkakahalaga ng P35,000 at singsing na nagkakahalaga ng P30,000 na naging dahilan upang magpunta sa mga kabaro.

Sa imbestigasyon, lumalabas na sinira ng hindi pa kilalang suspek ang bintana ng bahay ng biktima na ginamit sa pagpasok at paglabas ng bahay.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply