Bahay sinilaban ng may sayad, 100 bahay pa nasunog

MAHIGIT 100 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sunugin ng isang lalaking may diperensiya sa ulo ang kanilang sariling bahay na nagresulta sa pagkakadamay ng may 30 kabahayan kaninang madaling-araw sa Parañaque City.

Hinihinalang nalulong sa ipinagbabawal na gamot kaya naapektuhan ang pag-iisip ng suspek na si Toto Magalzo, nasa hustong gulang, nang silaban ang kanilang bahay sa J. Estrada II Compound, WSR, Barangay BF gamit ang isang kandila dakong ala-1:55 ng madaling araw na nagresulta naman ng kanyang pagkakaaresto.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque Fire Marshall Supt. Manuel Manuel, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang may 30-kabahayan na pawang nasasakupan at miyembro ng J.E II Home Owners Association.

Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-3:45.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply