Bakasyon ng mga senador simula na

SINIMULAN ngayon ng Senado ang dalawang linggong bakasyon matapos pagtibayin ang 197 panukala na may kinalaman sa pambansa at pang-lokal na aplikasyon, ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa mga panukalang ito na pinagtibay ng Senado, anim na ang naisabatas matapos malagdaan ng Pangulo kabilang dito ang Anti-Cybercrime Act (RA No. 10175), The Data Privacy Act, People’s Survival Fund, An Act Authorizing Clerical or Typographical Errors in Birthdate or Sex of a Person without Need for Judicial Order, An Act Reviving the Observance of Arbor Day, at The Act Reapportioning the Province of Cotabato into Three Legislative Districts.

Sinabi pa ni Enrile na nakabinbin pa sa bicameral conference committee ang dalawang panukala, ang Househelper’s Additional Benefits and Protection Act at ang Involuntary and Disappearance Act at naipasa na sa Bicameral conference committee ang AFP Modernization Program na naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo.

Idinagdag pa ni Enrile na inaprubahan sa ikatlong pagbasa ang 86 panukala kabilang ang Meat Labeling Act, The Philippine Interior Design Act, The Department of Housing and Urban Development Act, Strengthening the Career Executive Service at The PNP BJMP and BFP Height Equality Act.

Hinihintay na lamang ang counterpart bill sa Mababang Kapulungan.

Ayon pa kay Enrile, 102 panukala ang isinumite na sa Office of the President partikular ang paglikha ng bagong korte at paaralan sa elementary at sekondarya.

Magbabalik ang sesyon sa October 8, 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply