Balik telebisyon si Lito Lapid!

SA UNANG serye ni Sen. Lito Lapid na gagawin sa ABS-CBN, ang upcoming fantaseryeng “Little Champ” na-excite  ang actor-turned politician dahil may kabayong kasama rito.

Sabi nila, kay Senator Lito lang daw babagay ang role ng isang artistang nakakabayo. “Ako kasi nung araw, ka-sama kong sumikat yung kabayo eh,” saad ni Senator Lito na nakilala bilang local na Pinoy “Lone Ranger” sa Leon Guerrero nung dekada 70. Kasama niya ang kabayo sa kanyang kauna-unahang TV series.

Sa muling pagbabalik sa acting ni Lapid via Little Champ, naaliw talaga siya dahil nagsasalita raw yung kabayo at kadalasa’y nag-uusap silang dalawa.

Kapag nakalunok raw ng bato yung kabayo, lalaki raw ito na parang superhero.

Yun talaga ang aabangan at ang pagliligtas sa mga naaapi at mga taong nangangailangan ng tulong.

***

NAGKABATI na sina Gov. ER Ejercito Estregan at Direk Tikoy Aguiluz.

Marami talaga ang natuwa at nagkaayos na silang dalawa at kinalimutan na ‘yung nangyaring gulo sa kanila at ayaw na nilang mapag-usapan pa.

Magkasama silang dadalo sa darating na FAMAS award kung saan pareho silang nominado para sa Manila Kingpin: Asiong Salonga Story.

***

MATAPOS gumanap bilang young Piolo Pascual sa teleseryeng Dahil sa Pag-ibig, muling magpapakilig si Francis Magundayao sa Aryana ng ABS-CBN bilang bagong ka-loveteam ng Kapamilya mermaid na si Ella Cruz.

Dahil nabighani sa kakaibang chemistry ng dalawa nang magkasama sila sa Dahil sa Pag-ibig blang batang Piolo at Cristine Reyes, bumuhos ang mga request mula sa Francella (Francis at Ella) na muling pagtambalin ang kanilang idolo.

Kaya naman naging usap-usapan ang unang pasilip na character ni Francis sa nasabing late afternoon fantaserye, agad itong nakahatak sa viewers na ikinataas ng rating nito.

Samantala, tutukan ang mga susunod na kapana-panabik na mga eksena ngayong dumating na sa buhay ni Ayana si Adrian. Magiging malaking hadlang ba siya sa pagkakaibigan nito kina Marlon ( Paul  Salas) at Hubert (Dom Roque)?

Huwag palalampasin ang magical tail ni Aryana gabi-gabi sa primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-TV Patrol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply