Banayo nagbitiw sa NFA; kakandidato sa 2013 polls

KASABAY ng pagdaraos ng ika-40 anibersaryo ng National Food Authority (NFA), nagbitiw si Lito Banayo bilang administrator ng ahensya upang bigyang daan ang kanyang napipintong pagtakbo bilang kinatawan sa First District ng Agusan del Norte sa 2013 mid-term elections.

Nabatid na sa susunod na linggo ay maghahain na si Banayo ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections.

Sa isang panayam kay Banayo sa Quezon City, sinabi nito na aalis siya sa NFA na hindi na kasing rami ang inaangkat na bigas ng Pilipinas kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.

Kaugnay naman ng nasabat na smuggled na bigas sa Subic, iniulat noon pa ni Banayo na wala itong import permit kaya dapat na kumpiskahin.

Si Banayo ay naging general manager ng Philippine Tourism Authority; political adviser ni dating Pangulong Joseph Estarda at spokesman, strategist at political adviser ni Sen. Panfilo Lacson.

Naging post master general din si Banayo noong panahon ni President Cory Aquino, ina ni Pangulong Noynoy Aquino III.

Mula 2004 hanggang 2010, si Banayao ay kolumnista ng pahayagang Malaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply