Bangayang Enrile-Trillanes, simula ng election season

NAGSISIMULA na ang election season makaraan ang umuusok na bangayan sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang pananaw ni Political Analyst Prof. Mon Casiple kaugnay sa nagaganap na iringan ng dalawang senador.

Sinabi ni Casiple na bagamat may isyung pinagtatalunan sina Enrile at Trillanes, hindi umano nararapat na talakayin pa sa plenaryo ang West Philippine issue dahil sa sensitibo itong usapin.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Enrile si Trillanes IV matapos siya awayin sa senado kahapon.

Sinabi ni Enrile pinahiwatig nito na sana ay matuto si Trillanes na magpa-alam sa kanya bilang Presidente ng Senado hinggil sa ilang beses niyang pabalik-balik sa China para sa negosasyon hinggil sa usapin ng Scarborough Shoal.

Sa kabila nito, hindi natatakot si Enrile kung sa oras na ito ay patalsikin bilang Senate President dahil kaya niyang tumayo sa sarili niyang paninindigan.

Naniniwala siyang ang ginagawang ito ni Trillanes ay hindi ito nagugustuhan ng Palasyo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply