Bangka tumaob sa Cotabato, 3 patay

TATLO ang namatay matapos tumaob ang sinasakyan bilang bangka sa Pulangi River, sa lalawigan ng Cotabato, kahapon.

Nakilala ang mga namatay na sina Lilibeth Mandayas,42; Jerry Marabe, 43 at ang kanyang anak si Bobby Marabe.

Patuloy na pinaghahanap naman sina Jenny Saliling, 9 at Mary Jane Abarca, 25.

Alas-5:30 ng madaling-araw kahapon, lulan ang mga biktima sa isang motorized bangka at karamihan ay mga mag-aaral sa Tamped Elementary School patawid ng Pulangi River para sumali sa Math Olympiad sa University of Southern Mindanao (USM-Annex) sa bayan ng Kabacan North Cotabato nang maganap ang aksidente.

Bigla umanong may nag-overtake na malaking bangkang de motor at dahil sa lakas ng alon bumaligtad ang sinasakyan ng mga biktima at lumubog.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang search and rescue operation ng militar, pulisya at mga rescue group sa dalawang nawawala pa.

Kabilang naman sa mga nakaligtas ay sina Sofia Panambolan, 11; Christine Porcadilla, 11; Mikki Gomata, 12; Danica Panigel, 10; Dante Mandadtem, 9; Nathaniel Maninggola, 9; Jonamae Buenafe, 11; Jenecel Tomas, 11;  Jenny Ambag, 12; Jenny-Vi Amella; Elvira Sepe; Ebma Escobar at Edu Salipungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply