Bangkay ng 2 kelot natagpuan sa Rizal

NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng lalaki sa  bakanteng lote sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal kaninang umaga.

Kinilala ang isa sa biktima na si  Romel Hermosa, 22, ng Barangay Damayan sa Taytay, habang ang isa ay inilarawan lamang na nakasuot ng itim na pantalon at puting t-shirt.

Nabatid na  tadtad ng tama ng bala sa katawan ang mga biktima.

Bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan  ng isang lalaking dudumi sana sa bakanteng lote ang mga bangkay habang narekober naman sa naturang lugar ang  ilang basyo ng kalibre .45.

Hindi pa batid ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply