Bangkay ng bebot natagpuan sa Laguna

NATAGPUAN ang isang bangkay ng dalaga na wala nang pang-ibabang saplot at basag ang bungo sa Lumban, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Raquel Atupe, 22-anyos, ng Sta. Cruz, Laguna.

Narekober naman ang pantaloon ng biktima at iba pang kagamitan nito malapit lamang sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Base sa pahayag ng pamilya ng biktima, Lune, Setyembre 3, pa nang magpaalam ang biktima na pupunta sa Calamba upang mag-apply ng trabaho ngunit hindi na nakauwi pa.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Lumban Police sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply