Bangkay ng kelot, lumutang sa ilog

LUMUTANG sa ilog ang hindi pa kilalang bangkay ng lalaki sa Malabon City kaninang umaga.

Tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 ang biktima na nakasuot ng maong pants at t-shirt na asul na may tatak na “Stop Abortion, Save Me”.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na lumulutang sa Tullahan River sakop ng East Riverside, Potrero ng lungsod.

Nang imbestigahan ay wala naman nakitang palatandaan na pinatay ang biktima. Dinala ang bangkay sa Eusebio Funeral Homes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply