Bangkay ng kelot paulit-ulit na nasagasaan, nagkadurog-durog

NAGKADUROG-DUROG ang katawan ng isang lalaki na nakalagay sa isang garbage bag at mabangga ng isang taxi sa bahagi ng tulay ng Guadalupe sa Makati.

Batay sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) employee na kinilalang si Flordelisa, dakong alas 4:30 kaninang umaga nang mapansin nila ang isang garbage bag sa North bound lane ng EDSA-Guadalupe.

Nabatid na hindi sinasadyang nabangga ng isang taxi ang nasabing garbage bag at nagulat na lamang sila ng tumambad sa kanila ang putol-putol na bahagi ng katawan ng tao.

Bukod sa taxi, isang sasakyan rin ang nakasagasa sa naturang bangkay dahilan upang hindi na ito makilala. Nagkalat sa kalsada durog-durog na ga bahagi ng putol na katawan.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng SOCO sa natagpuang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply