Bangko balakid sa imbestigasyon vs ex-CJ

ISANG bangko na lamang umano ang nagmamatigas na magbigay ng detalye ng mga dollar accounts ni dating Chief Justice Renato Corona na gagamitin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa dagdag na kasong tax evasion laban sa napatalsik na punong mahistrado.

Ayon kay BIR commissioner Kim Henares, halos lahat ng mga bangko na may dollar accounts si Corona ay nagkumpirma ng magbibigay ng detalye na una ng hiniling ng BIR.

Inihayag ni Henares na maraming bangko na ang tumugon sa kanilang request kaugnay sa mga foreign accounts ng dating punong mahistrado.

Kaugnay nito, ang sinasabi ni Henares na inireklamo na nila sa Makati City RTC ang naturang bangko.

Nabatid na una ng binawi ni Corona ang kanyang waiver para buksan ang kanyang mga dollar accounts matapos ang impeachment trial laban sa kaniya.Una rito, nasa P120.5 million ang kabuuang utang sa buwis na hinahabol ng gobyerno mula kay Corona, habang aabot naman sa mahigit P30 milyon ang halaga ng tax liability ng mag-asawang Castillo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply