Bangko hinoldap, 1 utas, 5 sugatan

PATAY ang isa habang apat pa ang sugatan makaraang tangkaing holdapin ng armadong kalalakihan ang armored van ng Sterling Bank sa Alabang, Muntinlupa City kaninang umaga.

Nabatid na alas-10:15 ng umaga nang abangan ng mga suspek sa entrance ng mall sa Madrigal Avenue ang armored van ngunit  natunugan sila ng mga gwardya ng mall na nagresulta sa palitan ng putok.

Nasugatan sa palitan ng putok ang OIC manager, dalawang guwardiya, staff, at isang kliyente ng bangko na agad namang dinala sa Alabang Medical Center na nasa ligtas nang kalagayan.

Kapwa mga nagtamo ng tama mula sa nabasag na salamin sa bangko ang mga biktima  na sinasabing hinagisan ng granada ng mga armado.

Maliban dito, narekober din sa lugar ang sinasabing sasakyan na gagamitin sana ng mga suspek sa panloloob.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply