Bangus processing sa Oriental Mindoro umarangkada

PALALAKASIN ng lokal na pamahalaan ng Calapan City, Oriental Mindoro ang programang pangkabuhayan ng lungsod sa pamamagitan ng Bangus Processing and Canning katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Layunin ng proyekto na mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga mamamayan ng lungsod lalong higit ang mga ina ng tahanan.

Sa simpleng pamamaraan ng pagpoproseso ng bangus, natutulungan ang mga nanay na makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na sa tulong ng naturang proyekto ay mahuhubog ang kanilang kaalaman sa pagluluto at nahahasa din ang kanilang kasanayan sa pag-eeksperimento ng kakaibang recipe na magiging kasiya-siya sa panlasa ng mga mamimili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply