Banta ni MVP, hinihilot ng Malakanyang

UMAASA ang Malakanyang na hindi itutuloy ng business magnate na si Manuel Pangilinan na i-pull out ang kanyang mga negosyo sa bansa.

Si Pangilinan ang siyang  nagmamay-ari ng Philippine Long Distance and Telephone Co. (PLDT), Smart Communications, at Manila Electric Co. (Meralco).

Nairita si Pangilinan at nagbanta na ipu-pull out ang kanyang mga negosyo  sa Pilipinas sa kontrobersiyang may kinalaman sa backchannel talks ni Sen. Antonio Trillanes IV sa China.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, mananatili pa rin si Pangilinan sa bansa habang pinaplantsa ang usaping ito.

“We certainly hope this will not be the case, these things sort themselves out (in due) time,” ayon kay Usec. Valte.

Kamakalawa, Setyembre 21 ay nagbitiw sa puwesto si Pangilinan sa Ateneo Board of Trustees  dahil sa hindi pagkakaunawaan sa posisyon ng mining at Reproductive Health bill.

Idinawit siya ni Senate President Juan Ponce Enrile sa kontrobersiyal na backchannel talks ni  Sen. Antonio Trillanes IV sa China upang ayusin ang isyu ng Scarborough Shoal.

“Perhaps these things will sort themselves out in due time. We also understand kasi biglang nasali. There are so many names being mentioned,”  ayon kay Usec. Valte.

Sa ulat, sinabi ni Pangilinan  na  “Kung ako lang I’d go back to Hong Kong… ang gulo-gulo nyo.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply