Bantang boycott ni Santiago ‘wa epek sa Senado

WALANG magiging epekto sa session ng Senado ang ngayong linggo kahit boykotin pa ito ni senadora Miriam Defensor Santiago.

Ayon kay Senate Majority leader Tito Sotto III, tuloy pa rin ang trabaho ng Senado kahit hindi dumalo si Santiago sa mga Senate sessions bilang ganti sa pag-isnab ng mga senador sa hearing niya hinggil sa mga kontrobersya na kinasasangkutan ni resigned Department of Interior and Local Government (DILG) Usec Rico Puno dahil normal naman na palaging may absent na senador sa Senate session.

Sabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na prerogative ni Santiago ang hindi pag-attend sa kanilang session.

Dagdag pa ni Enrile na palagi naman talaga uma-absent ang senadora lalo na kapag siya ay may sakit.

Umaasa naman si Senator Edgardo Angara na hindi tototohanin ni Santiago ang kanyang banta dahil ang pagdalo sa session ay bahagi ng kanilang tungkulin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply