Barilan sa NBI compound pinatututukan ni De Lima

BINIGYAN ni Justice Secretary Leila de Lima ng mahigpit na derektiba si National Bureau of Investigation (NBI) director Nonatus Rojas kaugnay sa naganap na barilan sa loob mismo ng NBI compound noong Huwebes ng madaling araw.

Sa derektiba ni De Lima, partikular na pinatututukan nito ay ang kaso na ikinasawi ng isang ahente at ikinasugat ng isang NBI jail guard.

Ayon sa Kalihim, nakakahiya ang naganap na barilan sa loob ng NBI compound kung saan pawang mga tauhan ng ahensya ang nagbarilan.

Matatandaan na nagkainitan sina Jail Officer Oscar Cabebe at ang nasawing si Special Investigator III Honorato Ocampo dahil lamang sa hindi maayos na turnover ng isang bilanggo.

Dahil dito, mahigpit ding ipinag-utos ni De Lima sa director ng ahensya na gawin ang lahat upang hindi na maulit pa ang nangyaring insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply