Barko sumadsad, 571 pasahero stranded

KINUMPIRMA ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na 571 pasahero ang stranded ng sumadsad na barko sa baybayin ng Panay.

Ayon sa nakarating na ulat sa tanggapan ng PCG-Manila, hanggang ngayon ay stranded pa rin ang St.Thomas De Aquinas ng Negros Navigation.

Ang nasabing barko ay umalis kahapon pasado alas kuwatro sa Bacolod City at patungo ito sa Iloilo at Cagayan de Oro.

Dahil hindi nakarating sa destination port sa nakatakdang oras ang barko ay tinawagan ito ng PCG-Iloilo kung saan napag-alamang sumadsad ito sa baybayin ng Panay.

Nagkaroon umano ng mechanical problem ang barko dahilan naman upang agad na magpadala ang coast guard ng dalawang tugboat.

Mula sa nasabing bilang ng pasahero ay 538 dito ang mga adult, 19 mga bata at 14 sanggol.

Ayon sa PCG, hahatakin ng tugboat ang barko patungong Arrastre Port at doon na lamang pasakayin ng ibang barko ang mga pasahero patungo naman ng CDO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply