Barkong puno ng troso naharang ng Navy sa Basilan

NAHARANG ng Philippine Navy ang isang barko na puno ng troso galing sa Isabela City sa Basilan kaninang madaling araw.

Ayon kay BRP Salvador Abcede commander Luid Limpuna, naharang nila ang MV Sumahis na isang milya ang layo sa Tampat point ng Maasim, Sarangani kung saan kalahating milyong board feet ang karga nito na idadaong sana sa General Santos.

Nakatanggap umano ng report ang Philippine Navy na may darating na kahoy mula sa Basilan kaya rumonda sila gamit ang patrol gunboat 114 ng Philippine Navy.

Matapos na mahuli ang naturang barko, isinailalim agad sa scaling ng mga taga-Department of Environment and National Resources (DENR) ang mga kahoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply