Baron balik-bisyo na naman?

HOW true na bumalik na naman pala sa rati niyang bisyo itong si Baron Geisler? Kala kasi namin nung una, malaki na raw ang ipinagbago nito after ng ipinasok siya sa rehab.

Simula nung makalabas sa rehab si Baron ay muling bumango ang kanyang namesung at sunud-sunod na naman ang mga proyekto na dumarating sa kanya.

Pero ngayon, hirap na naman daw ang kanyang mga handler at manager na si Arnold Vegafria na i-schedule ang actor dahil sa mas madalas na parang wala sa sariling katinuan ito ngayon.

Sayang naman. Magaling sana si Baron, kaya lang ito na nga ang problema, ang kanyang pagiging lasenggo na ‘di maiwan-iwan.

Tuluyan nang malalaos ang aktor na ito kapag hindi pa rin siya nagbago. Sana roon naman sa mga kaibigan na laging kasa-kasama niya sa inuman ay tantanan n’yo na siya.

Sa ngayon, dahil sa ‘di maayos ni Baron ang kanyang buhay, tinatabangan na naman raw si Arnold V. na ayusin ang mga schedules at mga project na dapat sana ay kanyang gagawin.

***

TUMAWAG sa amin ang talent manager nina Norris John at sexy star na si Lorraine Lopez na si Boy Pilapil at excited niyang naikwento saming sa wakas ay nabigyan na ng slot na maipalabas ang kanyang pelikulang “Binatilyo” last Wednesday, Sept 20, sa mga sinehan.

Pahirapan kasing kumuha ng mga bookings ng pelikula sa mga sinehan dala na rin marahil sa parang kabuteng nangasipagsulputan ang mga proproducerng mga indie film na kulang naman sa kalidad.

Anyway, kung mabibigyan ka man ng slot, parang dumaraan ka sa butas ng karayom dahil karamihan sa mga booker ng mga sinehan ay sobrang choosy sa pagpili ng mga ipalalabas nila.

Kaya naman sobrang excited si Papa Boy at sa wakas ay naipapalabas na rin ang kanyang Binatilyo.

Bukod kay Norris John na bida rito, kasama rin sa nasabing pelikula si Jao Mapa, na gwapung-gwapo pa rin sa ngayon, ang baguhang sexy star na si Lorraine Lopez at si Lily Montelebano.

Sinabi rin ni Papa Boy na nang iparebyu raw niya ito sa MTRCB, accidentally approved without cuts raw ang mga sexy scenes sa naturang pelikula kaya siguradong mag-iinit na naman ang tumbong ng mga kapatid nating berde rin ang dugo kapag napanood na nila ang Binatilyo.

Tinanong pa namin kay Papa Boy kung naghubad ba rito si Jao Mapa? Humalakhak lamang ang nasambit na talent manager sabay sabing” “Panoorin nila ito at hindi sila manghihinayang sa perang binayad nila!”

Ayon pa kay sa mabait na produ, ito na yata ang last sexy movie na gagawin ni Norris John dahil pinagbawalan na ito ng exclusive school na kanyang pinapasukan.

Sa true, may mga eksenang kangkangan rito si Norris John at siguradong kapag napanood raw ng mga professor sa school ay baka bigla na lang nilang patalsikin ang young sexy actor.

***

NEXT year pa ang eleksyon pero ngayon palang ay malakas nang pinag-uusapan ang mga gustong pumalaot sa lara- ngan ng pulitika at isa na rito ang napababalitang tatakbo ring MTRCB Chairman na si Grace Poe Llamanzares, anak ng yumaong hari ng aksyon na si Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces.

Talagang hindi raw papipigil ang anak ni Manang Susan sa plano nitong tumakbo ngayong 2013.

Teka lang, ‘di ba na-trauma na sila sa politics buhat nang matalo kuno si Da King nang tumakbo itong presidente ng Pilipinas?

Kunsabagay, hindi naman namin ikinukunsiderang natalo noon sa eleksyon ni Gloria Macapagal Arroyo Ang Hari dahil sa puso namin at ng sambayanang Pilipino ay talagang panalo ang hari kundi nga lang dinaya umano.

Anyway, huwag mag-alala si Manang Inday dahil ngayon sa governance ni PNoy, baka naman makalusot si MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares dahil wala ng mandaraya gaya ng nagdaang rehimen ni Arroyo.

Pero dapat siguro mag-concentrate na lang muna bilang Chairwoman si Grace dahil sa marami ang nagsasabing napatino nito ang naturang ahensya.

Ang dapat lamang na ingatan at bantayan ni Ms. Grace ay ang ilang mga mapagsamantalang producer particular na itong mga indie film producer na gumagawa ng pelikula na halos wala na ring katuturan at kwenta.

Sana naman magpatawag ng meeting si Ms. Grace sa mga producer ng pelikula at i-suggest niya na makagawa ang mga ito ng mga quality films para mas bongga ang kanyang pinamamahalaang ahensya.

Marami kasing mga indie movies ngayon na pinapalabas sa sinehan ang talaga namang walang kwenta.

‘Yun lang!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply