Bartolo nanguna sa last leg ng Shell Advance

SA PAGTATAPOS ng 2012 Shell Advance Underbone King Challenge, hindi pinalagpas ng Shell Advance at RACE Motor Sports Club na dumayo sa Sta. Rosa, Laguna upang maghatid ng saya sa mga kababayan nating motorista. Ginanap ang last leg ng Underbone King Challenge noong Setyembre 01, 2012 na dinaluhan naman ng mga taga-Laguna.

Para sa Laguna leg, nakamit ni Rhomel Bartolo ang 1st place, habang nasa 2nd place naman si Dennis De Leon at 3rd place si Jose Francisco. Lahat sila ay nag-uwi ng cash prize, Shell Advance jackets at Outlast battery.

Hindi rin nawala ang paligsahan sa pagandahan ng motor at nanalo para sa Best Dressed Stock sina Felipe Becina Jr. na nakuha ang 1st place, Vlademir Valentino para sa 2nd place at 3rd place naman si Emmanuel Pacamara. Para naman sa Best Dressed Open nagwagi sina Julius Ciocon para sa 1st place, 2nd place si Jorge Jimenez at 3rd place naman si Fynn Lacar at lahat sila ay naguwi ng cash prizes.

Nagbigay saya rin sa mga taga-laguna ang isinagawang Slow Race at Bike Balance ng mga organizer at naglagay din sila ng change oil service para sa kanilang mga taga-suporta. Abangan ang mga susunod pang race ng Shell Advance Underbone King Challenge dito lang sa Pinoy Speed sa mga Pahayagan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply