Bartolome matunog na kapalit ni Puno

MATUNOG ang pangalan ni Philippine National Police (PNP) chief Nicanor Bartolome na isa sa posibleng ipapalit ni Pangulong Benigno Aquino III sa kontrobersyal na si Interior Usec. Rico Puno.

Napag-alaman na matunog ang pangalan ni Bartolome bilang kapalit kay Puno sakaling opisyal nang maghain ng kanyang resignation letter ang opisyal matapos madawit sa panibagong kontrobersya.

Unang nabunyag ang umano’y tangka ni Puno na pumasok sa condo unit ni DILG Sec. Jesse Robredo matapos bumagsak ang sinakyang eroplano ng kalihim noong August 18 sa Masbate.

Sinabi ng Pangulo sa media delegation sa Russia na pinapakonsidera nito kay Bartolome na magretiro nang mas maaga para mabigyan ng adjustment period lalo pa palapit na ang halalan.

Pero nilinaw ng Pangulong Aquino na hindi pa naghahain ng kaniyang resignation letter ang undersecretary.

Una ng inihayag ni incoming DILG Sec. Mar Roxas na magdadala siya ng sariling mga tauhan sa bago nitong puwesto.

Kinumpirma ni Roxas na binigyan siya ng “free hand” ng Pangulong Benigno Aquino III kung paano patatakbuhin ang ahensiya.

Sinabi rin ni Roxas na bibigyan ng bagong trabaho sa labas ng DILG si Puno.

Maaalala na naging kontrobersiyal ang assignment ni Puno sa kagawaran matapos hawakan ang Philippine National Police sa halip na si dating Interior Sec. Jesse Robredo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply