Bata ng Dominguez brothers tiklo

NASILO rin ng awtoridad ang henchman ng ”carjack kings” at mag-utol na sina Raymond at Roger Dominguez, may isang taong ding nakapagtago sa kabila ng tatlong high-profile carjacking cases ang iniuugnay sa kanya.

Nagpadala na kaninang umaga lamang ang Quezon City Police District (QCPD) ng kanilang mga tauhan sa Cavite provincial police para sunduin at isilbi ang warrant of arrest laban sa suspect na si Rolando Talban.

Si Taliban na nagbibigay ng iba’t ibang pangalan ay nahuli sa kasong attempted hijacking at illegal possession of firearms nitong nakaraang Miyerkules pero kamakilan lamang ay nahubaran ng mascara dahil siya rin ang suspect sa serye ng carjacking cases at sa tatlong high-profile killings sa Metro Manila.

Si Talban ang siya umanong bumaril at pumatay kay Venson Evangelista, at car dealer din na si Emerson Lozano at isang government employee na si Teresita Teaño.

Ayon sa pulisya, nahuli si Talban kasunod ng engkuwentro sa Barangay Burol, Dasmariñas nitong nakaraang Miyerkules. Nabatid na sugatan ito sa pagpalyang panghahaydyak sa isang trak.

Rumesponde naman ang Dasmariñas PNP sa eksena na nasa tapat ng isang elementary school, ay natagpuan ang isang lalaking sugatan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa ulat, ang sugatang lalaki na nagpakilalang si Wilson Mendoza ng Nasugbu, Batangas ay binugbog ng mga istambay.

Nakumpiska sa kanya ang .45 caliber pistol, 1 black police jacket, 1 megaphone, 1 siren at cable straps.

Natagpuan din sa loob ng isang gray Toyota Innova (TIV-542) sina Robert Ramos at Leodegario Dimayuga, Jr., na may tama rin ng baril sa kanang hita matapos barilin ng naarestong suspect. si Dimayuga ang truck driver.

Kinabukasan, pumunta ang tauhan ng Highway Patrol Group sa Dasmariñas police station para tingnan ang suspek at nadiskubre nila na ang naturang nahuling lalaki ay wanted sa serye ng high-profile carjacking cases sa metropolis.

Maliban sa kanyang itsura, nakilala rin si Talban sa kanyang mga marka sa katawan kanilang ang peklat sa kaliwang dibdib na nakuha niya sa engkuwentro sa Quezon City laban sa mga pulis na himantong sa kanyang pagdakip noong 2010.

May tattoo rin ito ng “Superman” sa kaliwang balikat at ang kanyang tribal tattoo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply