Batanes niyanig ng 4.1 magnitude na lindol

NAHINTAKUTAN ang mga residente nang yanigin ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Batanes kaninang 12:28 ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig sa layong 62 kilometro sa hilagang kanluran ng Sabtang, Batanes na may lalim na 37 kilometro.

Tinamaan din ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Ilocos Sur kaninang 2:43 ng umaga.

Batay sa earthquake information ng Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa layong 10 kilometro sa hilagang kanluran ng Vigan, Ilocos Sur na may lalim na 16 kilometro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply