Batanes signal No. 3 pa rin kay ‘Lawin’

BAGAMAT patuloy ang paghina ng bagyong Lawin habang tinatahak ang direksyong patungong Taiwan ay nakataas pa rin ang storm signal number 3 sa Batanes Group of Islands, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakataas naman ang signal number 2 sa Cagayan, Kalayaan at Babuyan islands, habang signal number 1 naman sa Ilocos Norte, Kalinga Apayao, Abra at Isabela.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Lawin ang pinakamalakas na hangin na 185 kilometro bawat oras at pagbugsong umaabot sa 220 kilometro kada oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 kilometro sa Silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ang bagyong Lawin sa direksyong pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Pinalalakas din ng bagyong Lawin ang hanging Habagat na siyang lumilikha ng malalaking alon sa seaboard ng Southern Luzon at Visayas

Kaugnay nito, pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na umiwas muna sa naturang karagtan dahil sa malalaking alon.

Samantala, ngayong weekend, kahit makararanas ng manaka-nakang pag-ulan, sinabi ng PAGASA na makaaasa ng magandang panahon kasabay na rin ng posibleng paglabas ng super bagyo sa teritoryo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply