Batangas mayors sa jueteng probe

JUETENG…jueteng…jueteng. Hindi na yata matatapos ang isyu ng jueteng sa bansa dahil sa tuwi-tuwina ay sentro ito ng talakayan.

Katulad nga ng nasabi natin sa nakaraang isyu ng Chokepoint, ‘di na mabilang ang isinagawang imbestigasyon ng iba’t ibang ahensya. At ilang araw mula ngayon ay magsasagawa na naman ang Senado ng jueteng probe, saan na naman ito hahantong, mahihinto kaya ang jueteng?

Ngayon…mainit na rin lang na pinag-uusapan ang jueteng, talakayin natin ang patuloy na jueteng operation diyan sa lalawigan ng Batangas. Ang Batangas ay kilala sa tawag na ‘Jueteng Capital’ dahil sa matinding pamama-yagpag  ng  sugal  na ito, gamit ang Small Town Lottery.

Sa sumbong na matagal nang inirereklamo sa atin, ang mga lungsod at bayan ng nasabing probinsya ay namumutiktik ang STL-bookies operation. Dalawang babae na kilala sa alyas na ‘Nene’ at ‘Minda’ ang itinuturong nagpapatakbo ng STL-con jueteng sa buong lalawigan, ayon sa ulat.

At ang sentro ng kanilang operasyon ay ang mga bayan ng San Pascual at Bauan. Sa bayan ng San Jose, isang kapitan Ineo at Kap. Indo ang operators. Dapat sigurong imbitahan ni Sen. Koko Pimentel ang mga mayor ng Bauan, San pascual at San Jose para matanong sa gagawing jueteng probe.

EEL FRY NAHARANG SA NAIA

Isa na namang accomplishment ang pagkakasakote ng mga bata ni Customs Comm. Ruffy Biazon sa 526 kilos ng eel fry o elevers sa NAIA. Bawal ang pagpupuslit ng elevers palabas ng bansa dahil ang igat ay maituturing na masarap na uri ng pagkain at iilan na lamang ang species na ito.

Dahil masipag ngayon ang mga ahente ng Bureau of Customs, dumarami ang mga nahuhuling mga smuggled item sa mga pantalan. Tila, hindi na natututo ang smugglers dahil sa kabila ng mga sunod-sunod na huli sa kanila ng mga tauhan ni Comm. Biazon ay gumagawa pa rin sila ng kalokohan.

Ang mga eel fry na nagkakahalaga ng P750,000 ay ipupuslit sana patungo sa Kaishiung nang masakote ito ng mga alertong BOC agents.

Ang pagkakadiskubre ng nasabing mga maliliit na igat ay patunay na nagtatrabaho ang liderato  ni Comm. Biazon. Naka-tutuwa ‘di po ba! Kasi nakikita natin na ang dating korap na ahensya ng gobyerno ay unti-unting nababago tungo sa tapat at diretsong pamamahala.

Kaya ang hiyaw natin…. mabuhay kayong mga ahente ng BOC na nagtatrabaho nang maayos. Mabuhay rin si Comm. Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply