Bayan sa B & W Movement: Mahiya naman kayo

TAHASANG inihayag at kinondena ni Bayan Secretary General Renato Reyes ang pagpasok o pakikilahok ng Black and White Movement sa pulitika.

“Sana mahiya naman kayo,ang dami na nga ng miyembro ninyo na nasa pamahalaan,pagbigyan naman ninyo ang iba na magkaroon ng tsansa”, ayon kay Reyes.

Sinabi rin ni Reyes sa lingguhang forum na hindi nila kinuwestyon ang layunin ng BM Movement kaya lamang ay paano maituturing na “marginalized sector” ang nabanggit na grupo gayung ang mga miyembro nito ay pawang mga prominenteng tao.

Samantala, sinabi ni Reyes na maghahain sila bukas ng petisyon kasama ang ilan pang mga militanteng grupo sa Korte Suprema upang tutulan ang Cybercrime law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply