Bea Binene at amang si Ben Go, bati na!

NAUUNAWAAN na rin ng butihing ama ni Bea Binene na si Mr. Ben Go na hilig talaga ng anak niya ang pag-aartista. Kaya recently ay nag-uusap nang madalas ang mag-ama. Minsan pa nga’y nagpupunta na ito sa bahay nila Bea at  Mama Carina para mangumusta at batiin ang anak sa success nito ngayon sa showbiz.

Nung una’y ikinatampo ni Mr. Go kay Bea ang pagpili ng huli sa showbiz career sa batang edad palang kaysa atupagin ang pag-aaral sa isang exclusive school.

Katwiran ni Bea, hindi niya pinababayaan ang pag-aaral. Tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral niya sa home study program.

Bale ang pagbabati nina Bea at ama niya ang nagpapasaya sa tween star ng GMA 7 na malapit nang simulan ang bagong soap nila ni Jake Vargas, ang “Angelina.”

Naunawaan ni Mr. Go na pag-aartista ang linya ng anak. Gusto ng ama ay pagtapusin si Bea sa pag-aaral at maging magaling na business entrepreneur.

Kahit busy si Bea sa kanyang showbiz career, hindi pa rin niya nakalilimutan ang pag-aaral. In fact, third year high school na si Bea ngayon via home study program.

Nakikita ni Mr. Go na ang anak ay masinop sa buhay. Hindi umaangal sa sunud-sunod na schedule sa showbiz at nagkakaroon pa ng oras sa pagsasanay sa wushu at nakapagbo-voice lessons pa. Nagbunga naman ang pag-aaral ni Bea ng pagkanta sapul pa nang siya’y two years old pa lang. Aba, balitang ang first album ni Bea na Hey, It’s Me, Bea! ay naka-gold na sa record sales. Ayon ang report na ito sa Poly East Records, ang distributor ng debut album ni Bea. Continuous na mabili ang album kapag si Bea ay nagmo-mall show.

Last Sunday sa Party Pilipinas, maraming pinahanga na si Bea sa pag-awit nang mag-duet sila ni Jake Vargas. Inihihilera na ngayon si Bea sa mga magagaling na singer ng Party Pilipinas, hindi lang pagsasayaw at paghu-host ang ginawa niya sa ngayon.

000

MATAPOS ang masasayang araw sa Hong Kong kung saan napasaya nila ang libu-libong OFWs at nagliwaliw sa Hong Kong Disneyland, matinding lungkot naman ang naranasan ng mga Artista Academy students kagabi dahil apat ang sabay-sabay na na-kick out sa kanila.

Hindi na nga naisalba ng kanilang grades at text votes ang mga estudyanteng sina Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Nicole Estrada at Stephanie Rowe kaya sabay-sabay nilang ibinalik ang kanilang ID at nagpaalam na sa kanilang mga kaklase sa Artista Academy.

Kagabi rin nagtapos ang kanilang pag-asang makamit ang inaasam na P20 million total prize na pinakamalaking papremyo sa kasaysayang ng lahat talent searches sa bansa.

Ngayong walo na lang ang natitirang contenders sa grandest at most intensive artista search na ito ng TV5, kailangang mas ibuhos pa ng mga estudyante ang lahat ng kanilang makakaya kung talagang gusto nilang makarating sa grand finals at manalo bilang kauna-unahang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.

Ngayong linggo ay “fearless” ang challenge na haharapin ng walong natitirang students at gagawa sila ng dalawang horror flicks sa ilalim ng direksyon ng highly acclaimed director na si Topel Lee.

Ang short films ay mapapanood sa Artista Academy Live Exam sa darating na Sabado at magiging bahagi ng grades na kanilang makukuha mula sa Live Exam critics.

Inanunsiyo rin kagabi ng Artista Academy principal na si Wilma Galvante na magkakaroon ng grupong Tropang Kick out na magkakaroon ng isang production number every Live Exam. Patuloy pa rin ang extensive training ng mga Artista Academy kick outs sa Asian Academy of Television Arts (AATA) at inaasahang gra-graduate sila bilang mga professional artistas.

Mapanonood ang Artista Academy Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 p.m. at tuwing Sabado ng 8:30 p.m. sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply