Bea Binene biktima ng sariling kabulastugan?

OBVIOUSLY, nababahala ang GMA 7 dahil sa mga nasty rumors na kumakalat ngayon tungkol sa contract young star nilang si Bea Binene.

At dahil they sounded so much agitated, na may banta pang magdedemanda, tila nagse-shape up ang opinyong may dahilan nga sila para mabahala.

Sa kanilang presscon, at sa mga interviews ng nanay ni Bea Binene, very consistent sila sa pagsasabing di naman true yung tsismis na relasyon ng youngstar sa isang disc jockey ng LS na di na namin babanggitin ang pangalan. Kahit kasi yung DJ, nagsalita na rin at nagsabing ayos na sila ng pamilya ni Bea at magkaibigang muli.

So nakapagtatakang nababagabag pa rin ang GMA, pati nanay ni Bea na walang sawang dakdak nang dakdak tungkol sa isyu. Tuloy, nababahiran ng doubt kung totoo nga’ng sinasabi nila.

In the first palce, kaduda-duda talaga yung mga pangyayari surrounding the issue.

Una nga yung pinayagan nilang tumira sa kanilang bahay yung DJ. Para nga kasing malabo na may nanay na papayag na patirahin sa kanilang bahay ang isang taong kaibigan man nila o hindi.

Pangalawa, malinaw na nagkaroon ng misunderstanding ang pamilya ni Bea sa DJ kaya humantong ito sa sapilitang pagpapa-evict sa DJ. Malinaw yun, hindi po ba?

We simply don’t see the reason kung bakit pati GMA 7 ay nagsisintir ngayon. Probema yun ng pamilya ni Bea, bakit pa sila sumasali? Yung sinabi nilang artista nila si Bea kaya pinoprotetahan nila ay puwedeng true. Pero lahat ba ng artista nila ay kaya nilang gawin ito?

Sinuportahan ba nila si Katrina Halili sa laban niya against Hayden Kho?

O hindi ba?

At bakit nai-involve pa ang pangalan ni Atty. Topacio gayung kaibigan din naman nila ito. Kung pinapaboran nila yung DJ na tila nilinis nila ang pangalan, bakit idinidiin pa nila si Attorney?

We smell something foul here.

Assuming, na totoo na nagsampa ng kaso against the DJ si Atty, dapat, yung DJ ang maghabol kay Atty. at hindi itong sina Bea na pilit na pinalalabas na kontrabida ang abugadong marami namang naitulong sa kanila.

Nagsalita na rin si Atty ng kanyang panig at mukhang ito ang mas kapani-paniwala. Sino naman kasing tao ang gagawa ng legal action, especially, isang de kampanilyang abugado, kung walang pahintulot?

Sinasabi ni Atty na dumulog sa kanila ang nanay ni Bea, yun ay pinaniniwalaan namin. Kaya nakapagtatakang paulit-ulit pa si Mrs. Binene na idinidiin ang abugado.

Sige, tama yung hakbang ng GMA 7, mag-imbestiga sila para makita nila’ng ang punu’t dulo ng lahat ng sigalot sa mga Binene ay sila rin ang gumawa.

Sa kagustuhan yata nilang magkaroon ng matinding publisidad, ayan nag-boomerang sa kanila’ng mga kasinungalingan nila.

O, hindi ba?

****
Dalawang young starlets sariling ina ang bugalingsing

TILA nagmamadaling yumaman ang mga nanay ng dalawang starlets. Kahit na kasi medyo malaki na ang kita ng kanilang mga anak, dahil todo build up naman ang mga career nila, ayan at ayaw magpalampas ng mga pagkakataon ang dalawang stage mothers.

Sila mismo ay naghahanap ng mga mayamang DOM para magbigay ng pera sa kanilang pamilya.

Yung unang stage mother, talagang may I tanggap ng malaking pera sa isang businessman na kuwestyunable ang source ng finances simula nang malaman nitong kursunada ang kanyang anak.

Saan man magpunta ang mag-ina, nakasunod agad si DOM, but of course, with the permission of mom and daughter.

Everytime nga naman na sumusunod sa mga raket nila si DOM, tumataginting na malaking pera na ang kapalit.

Yung pangalawang nanay naman, kunwari, friends lang nilang mag-ina yung mga lalaking kumakalantari sa anak niya. Na kesyo likas daw sa kanila yung pakikipagkaibigan kaya hinahayaan lang nila’ng mga ito.

Pero kuwidaw, a very reliable source told us na tumatanggap ng whopping sustento ang pamilya ni starlet sa isang ‘frrend ‘ lang nila.

Aba, dapat imbestigahan ang ganyan.

Anyway, both starlet have their own young BF. Naku kasi nga pereho naman silang makati, nairaraos nila kapwa ang mga DOM at young boyfriends nila.
Guess who?

Piolo, Luis, Sam???

Sinong ‘bading’ ang inaming nanligaw kay Toni Gonzaga?

Komo nga tungkol sa istorya ng isang babaing niligawan ng bading ang kuwento ng bagong pelikula ni Toni Gonzaga, ayan tuloy, trending ang katanungan kung minsan ba ay naligawan ng malansang lalaki si Toni Gonzaga.

Buong ningning namang inamin nitong napeke nga siya noon.

Aniya, friend daw niya yung bading pero nanligaw nga sa kanya.

It turned out later on na may tsismis na bading pala yung lalaki.

Sa tono ni Toni, artista’ng tinutukoy nito kaya marami ang nag-oopinyong isa ito sa mga naging leading men niya.

Nilinaw naman ni Toni na hindi niya nakumpirma kung bading ba yung guy.

Basta narinig lang daw niya yun sa tsismis.

Tuloy, isa kina Luis Manzano, Piolo Pascual at Sam Milby ang tinutukoy na ‘bading’ ni Toni Gonzaga. Silang tatlo kasi ay pare-parehong nagkaroon ng tsismis na sila ay bakla.

Isa nga kaya sa kanila?

Hulaan na ninyo!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply