Bebot huling tumitira ng shabu sa motel

HULI sa akto ang isang babae habang humihitit ng shabu sa loob ng isang kuwarto ng motel habang isinasagawa ang buy bust operations ng magkasamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Davao City noong  September 11, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Mariel Jhoy Ely, 19, ng  No. 1027, Block 21-C, Piapi Boulevard, Davao City.

Nauna rito, nagkaroon ng transaksiyon sa pagitan ng poseur buyer ng PDEA at isang Carlo Egot, 18, na naninirahan sa Barangay 23-C, Isla Verde, Davao City, sa loob ng nasabing  motel na nasa kahabaan ng Cabaguio Avenue, Davao City.

Dahil dito, agad bumuo ng team ang PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11) sa pangunguna ni  Director Emerson Rosales at Davao City Police Office bago sinalakay ang lugar pero mabilis na nakapuslit si Egot at nakatakas.

Natunugan naman ni Ego ang operasyon ngunit huli naman si Ely sa aktong humihitit ng shabu sa loob ng kuwarto ng motel.

Nakuha ng awtoridad ang shabu at drug paraphernalias at P500 marked money na ginamit sa operasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply