Bebot kinatay ng sabog na ka-live-in

SAMPUNG saksak ang inabot ng isang babae mula sa kanyang sabog na live in partner dahilan upang ikasawi nito sa Cagayan de Oro city sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame , namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Flordeluna Barriga, 29, ng Sitio Mambato, Agora, Barangay Lapasan, nabangit na lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Jessie Burdeous sinasabing isang asset ng pulis.

Sa pagsisiyasat ng PNP Cagayan de Oro, lumalabas na pinagtatalunan ng mag-live-in partner ang pagiging asset ng suspek na nauwi sa pananaksak.

Aminado si  Burdeous na nasa ilalim siya ng impluwensiya ng droga nang saksakin si Flordeluna.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nakatakdang kasuhan sa piskalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply