Bebot nasawi sa pagamutan

ISASAILALIM sa awtopsiya ng medico legal ang isang hindi pa nakikilalang babae, kung ano ang tunay nitong ikinamatay, matapos isugod ng umano’y boyfriend dahil sa walang tigil na pagsusuka na naging sanhi para ito ma comatose ng 3 araw, saka binawian ng buhay sa pinagdalhang ospital sa Tondo, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Maging ang mga manggagamot ng Mary Johnston Hospital ay blanko sa sakit ng isang hindi pa nakikilalang biktima na inilarawan sa edad 25 hanggang 30 anyos ; may taas na 5’2 hanggang 5’3 katamtaman ang pangangatawan , habang inaalam pa ang lalaking nagsugod sa pagamutan, kung ito’y boyfriend ng nasabing babae.

Batay sa isinumiting ulat ni Det. Benito Cabatbat kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 10:05 ng umaga, kamakalawa nang bawian ng buhay ang biktima sa intensive care unit (ICU) ng nasabing pagamutan.

Nabatid sa isang Dr. Danica Baltazar, isinugod sa pagamutan ang babae ng umano’y boyfriend ng biktima nitong nakaraang September 11, dahil sa walang tigil na pagsusuka.

Agad namang umaksyon ang pagamutan at dinala ito sa ICU na tumagal ng 3 araw, bago ito nalagutan ng hininga.

Dahil sa walang pagkakakilanlan sa biktima, itinawag ng staff ng ospital ang nasabing usapin sa tanggapan ng pulisya.

Ang labi ng babae ay dinala sa Cruz Funeral Morgue para maawtopsiya ang tunay nitong ikinamatay, habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan dito at ang boyfriend na nagdala sa pagamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply