Bebot pisak sa 4 na trak sa Maynila

PATAY ang isang babae matapos masagasaan ng apat na truck kaninang madaling araw sa Osmeña Highway, San Andres, Maynila, kaninang hatinggabi.

Kinilala ni traffic investigator,  SPO1 Marcos Saunar, ng Manila Traffic Bureau,  ang biktima na si Amalene de La Cruz,21.

Sa pahayag ni Mike Tamonie, residente sa lugar, ganap na alas-12:00 ng hatinggabi nang mahagip ng truck ang biktima habang minamaneho ang kanyang sidecar.

Nabatid na nakatakip ng kulay itim na trapal ang likurang bahagi ng truck ngunit hindi ito naplakahan.

Dahil sa mabibilis ang takbo ng mga trak na dumarating, tatlo pang trak ang nakahagip sa biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply