Bebot sinaksak, ginilitan, pinalutang sa fishpond

TODAS ang isang dalaga matapos na pagsasaksakin sa ulo at ginilitan pa sa lalamunan bago pinalutang sa palaisadaan sa M. Sioson St. Barangay Dampalit Malabon City, Lunes ng hapon (Setyembre 3).

Kinilala ang biktima na si Julie Ann Gutierres, 25, ng 75 Doña Juiana, Subdivision Dampalit.

Mabilis namang tumakas ang tatlong suspek na ang isa ay nakilalang si Vic Martin Buenaventura, alyas Vic-Vic, 19 ng No. 52 M. Sioson St., ng nasabing lugar habang hindi pa nakikilala ang dalawang kasamahan nito.

Ayon sa isinagawang imbestigasyojn ni Sp01 Edsel Dela Paz, ng Stataion Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas-9:15 ng gabi nang matagpuang nakalutang ang bangkay ng biktima sa palaisadaan sa nasabing lugar.

Huling nakita ang biktima dakong alas-6:15 ng gabi noong Linggo, sakay ng kanyang Mio Scooter at pumarada sa tapat sa nasabing lugar na hindi kalayuan sa bahay ni Vic-Vic.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

Isang manhunt operation naman ang inilatag ng pulisya laban kay Vic-Vic at sa dalawa pang hindi nakikilalang kasamahan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply