Becky nanuba ng bayad, kinatay ng lover

PINANINIWALAANG panunuba sa bayad ang dahilan kaya ginilitan ng leeg ang isang bakla ng isa sa kanyang mga lover sa Batangas.

Natuklasan na lamang ang bangkay ng biktimang si Jose Jojie Ramos, 59-anyos sa loob ng bahay nito sa Balayan, Batangas nitong Huwebes ng umaga na wakwak ang lalamunan.

Bukod sa pera ay nawawala rin ang motorsiklo ni Ramos na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagtakas na ngayon ay tinutugis na ng awtoridad.

Ikinokonsidera rin ng pulisya na isa sa mga lover ang kumatay sa biktima matapos aminin ng ampon nito na nagdadala ng mga lalaki ang kanyang amain sa kanilang bahay.

Hinala rin ng pulisya na posibleng hindi binayaran ni Ramos ang suspect kapalit ng pagtatalik kaya ito pinatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply