Bela Padilla big star na sa GMA 7

SLOW but sure ang ginawang pagbi-build up ng GMA 7 kay Bela Padilla. Palibhasa di naman nagmamadali si Bela at ang kanyang manager na si Ms. Claire Dela Fuente, napagtiyagaan nila ang mabagal pero siguradong pagpapahinog kay Bela.

She started from scratch, ‘ika nga. Pero sa simula pa lang, maliwanag agad na papunta na si Bela sa pagsikat dahil nga napasalang agad siya sa madelang kontrobersya.

Sa showbiz, barometro ng napipintong kasikatan ang pagkasali sa mga matitinding kontrobersya.

From her initial controversy, napansin si Bela, nabigyan ng maraming breaks, ipinamalas ang kakayahan bilang aktres, napansin din ang star potential at ayan na nga, isa na siya sa mga itinuring na big star ng GMA 7.

Sa ngayon, Bela stars in a GMA new teleserye. Ito yung Magdalena, where she essays the character of a woman with a lot of moral issues. Malaking hamon ito sa kakayahan ni Bela, kaya nga malaki ang pasasalamat niya sa isa pang break na binigay sa kanya. At dahil lead star na siya sa Magdalena, she has nothing but thanks to GMA 7 sa malaking tiwala ng network sa kanya.

The last time we were talking to Bela’s manager, Ms. Claire Dela Fuente, malaki ang pag-asa nitong darating rin ang stardom sa alaga niya.

“Mabait na bata si Bela, she is family-oriented. Pamilya ang dahilan kung bakit nagpupursige siya. With that attitude, Bela is really destined to be big. Umaasa ako, na bibigyang-tiwala siya ng GMA 7 dahil nga ako mismo, gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya,” pagkukuwento pa ni Ms. Dela Fuente.

Hindi rin kailang produkto ng naghihirap na pamilya si Bela. Na isa siyang matalinong babae na nagsisikap para maihango ang kanyang pamilya. “I pray and I hope na talaga, matupad ‘yun,” seryosong sabi pa ni Ms. Claire.

Heto na nga ngayon, bida na si Bela. Galing siya makontrobersyang umpisa at hindi ganoon kadali ang mga pinag- daanan niya. Sumuporta siya nang matagal-tagal rin, pero ayan na dumating ang malaking break.

“I will prove them right, na hindi sila nagkamali sa break na binigay nila sa akin, pagbubutihin ko po,” sabi naman ni Bela who seems so inspired nowadays sanhi ng magandang kapalarang dumating sa kanya.

Bukod nga pala sa starring role sa Magdalena, may mga dumarating ring endorsements na malaki rin ang naitutulong sa kanyang mga exposures.

So there!

***

Willie Revillame numero uno pa rin sa TV5
 
KAHIT ano yata’ng gawin ng TV5, di sila umangat-angat. Kasi nga, parang wala namang silbi kahit sabihin pang maraming big stars ang lumipat na sa kanila.

Lahat ng mga programs nila ay nasibak na halos zero ang rating.  Palagay ko, mali ang istratehiya ng TV5. Na yung mga think tanks nila ay walang silbi dahil puro flop ang naiisip nilang concepts.

Come to think of it, hanggang ngayon, minority pa rin ang TV5 kahit number 3 na ang ranking nila among the existing networks. Angat lang sila nang kaunti sa ibang minor networks na pansinin dili ng publiko.

To think na malaki ang lugi nila and if they don’t improve in the game, bukas makalawa, magko-close shop na sila.

Isa pa talaga, ang totoong namumukadkad sa TV5 ay si Willie Revillame.

Sa tinagal-tagal niya, ayan at number one pa rin ang show niya. Kung kami ang TV5, why don’t they get the advice of Willie’s production staff, kasi nga, ayan at namamayagpag sila.

Kesa naman inaasahan ang mga execs nilang gastos lang ang iniisip, mas mabuti nang si Willie ang paniwalaan nila.

Ayan nga yung dating mga pinagsawaan na ng GMA 7 na kinuha nila bilang execs, ibayong lugi lang ang binibigay sa kanila.

Walang iniisip ang mga execs na ito kundi vested interest nila.

Di ba, Wilma Galvante?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply