Bentahan ng sex sa Ongpin, Maynila ligal na ligal

MULI nating pahapyaw na silipin ang patuloy na operasyon ng prostitusyon sa Star Coffee Garden na nasa gusali ng Good Hope Hotel sa Ongpin sa Sta. Cruz, Manila.

Ang tibay ng prostitution den na ito sa kabila ng ‘na-caught in the act’ ito ng mga taga-DPIU ng Manila Police District kamakailan.

Nakapagtataka kung bakit patuloy pa rin ang ginagawang bentahan ng sex ng mga waitress at imported na mga China girl sa bansang China.

Ang Star Coffee Garden ay isang coffee shop na ang front ay prostitution.

Isang alyas David na dating may-ari ng isang KTV na prente ng prostitusyon sa Chinatown ang nagmamantine ng nasabing prostitution den.

Lantaran na animo’y legal kung ibenta ng Star Coffee Garden ang mga waitress nito sa mga kalalakihan na naghahanap ng sex.

Ang presyo ng waitress sa nasabing coffee shop ay nagkakahalagang P1500 at P1000 naman para naman sa mga kuwarto na pagdarausan ng ‘siripitan’.

Bukod sa mga waitress ay lantaran ding ibinebenta ng Star Coffee Garden ang mga dayuhang Tsina mula sa presyong P3000 sa mga kalalakihan.

Teknik ni Purisima i-aplay sa NCRPO

KUNG i-aaplay ni newly appointed NCRPO chief Gen. Leonardo Espina ang mga pamamaraan na ini-aplay ni dating Director Gen. Allan Purisima na pag-report ng ‘crimes accurately’ ay tiyak na tiyak na mauubos ang mga kriminal at maraming kaso ang maso-solve.

Ang mga hakbangin ni Gen. Purisima ay ginawa niya hindi para sa sariling kapakanan bagkus ito ay gusto niyang ipamana sa mga susunod na mga mamumuno sa NCRPO.

Walang sinayang na oras sa maikling pananatili bilang hepe ng NCRPO si Gen. Purisima kundi ang makahuli ng mas maraming kriminal hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa buong regional ng bansa.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply