Best Motor Show Coverage for Broadcasr, nasungkit ng Inside Motoring

NAGWAGI ang Inside Motoring na sister company ng Stoplight TV at Pinoy Speed sa mga Pahayagan na pinangungunahan nina Eggay Quesada at Matt Montoya sa katatapos lamang na CAMPI Motor Show Awards na ginanap noong Setyembre 5, 2012 sa Taguig City.

Nanalo ang Inside Motoring para sa kategoryang Best Motor Show Coverage For Broadcast kung saan mula telebisyon, pahayagan at radyo ay ipinakita nila ang galing sa pagbibigay impormasyon sa publiko sa bawat detalye ng nangyayari sa 4th Philippine International Motor Show na isa sa pinakamalaking Motor Show sa bansa na nangyayari lamang kada dalawang taon.

Matapos ang tagumpay ng 4th Philippine International Motor Show, naglunsad ang Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. o CAMPI ng isang Media Awards bilang pasasalamat na rin sa mga taga-media sa patuloy na pagsuporta sa kanila.

Dinaluhan ng mga miyembro ng CAMPI ang nasabing event na pinangunahan ng kanilang presidente na si Atty. Rommel Gutierrez at ilang opisyal mula sa malalaking car manufacturer dito sa bansa.

Ngayong taon nagwagi sa CAMPI Motor Show Media Awards 2012 ang mga sumusunod: Dinzo Tabamo ng Topgear.com.ph para sa BEST BLOG ON THE MOTOR SHOW, Botchi Santos ng Philippine Daily Inquirer para sa BEST OPINION COLUMN ON THE MOTOR SHOW, Charles Buban ng Philippine Daily Inquirer para sa BEST ENVIRONMENT STORY ON THE MOTOR SHOW. Si Ben Arnold de Vera naman ng Interaksyon.com ay nagwagi sa kategoryang BEST BUSINESS STORY ON THE MOTOR SHOW. Nagwagi rin si Jonathan Cellona ng Business World ng BEST FRONT PAGE PHOTO ON THE MOTOR SHOW, Gerald Chua ng Kotse.com para sa BEST FRONT PAGE STORY ON THE MOTOR SHOW. Naiuwi naman ni Brent Co ng Autoindustriya.com ang BEST MOTOR SHOW PHOTO at si Tessa Salazar ng Philippine Daily Inquirer para sa BEST MOTOR SHOW STORY. Nagwagi naman ang Manila Times para sa BEST MOTORING PAGE ON THE MOTOR SHOW habang ang Interaksyon.com para sa BEST MOTOR SHOW COVERAGE (Online). Philippine Daily Inquirer naman ang nagwagi para sa BEST MOTOR SHOW COVERAGE (Print) at BEST MOTOR SHOW COVERAGE (Overall Winner).

Nagpapasalamat naman ang organisasyon ng CAMPI sa mga taga-media na sumali at sumuporta sa kanilang event. Sinabi naman ni Atty. Gutierrez na ngayon pa lang ay lubos-lubusan na ang kanilang paghahanda para sa 5th Philippine International Motor Show na aabangan sa taong 2014.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply