BFP may info awareness vs sunog ngayong papasok na ang Christmas season

MAGPAPAKALAT na ang Bureau of Fire Protection ng impormasyon upang paalalahanan ang mga residente ng Metro Manila ng kaukulang pag-iingat laban sa sunog ngayong papalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Magbibigay ang BFP ng mga tips sa tamang paggamit ng mga Christmas lights at pagpili ng mga ligtas na uri nito na tiyak na babaha sa mga pamilihan sa murang halaga.

Ayon sa tagapagsalita ng BFP-NCR na si Chief Inspector Renato Marcial, igigiit nila sa mga residente na i-double check ang mga gamit sa bahay lalo na ang mga appliances kung lalabas ng bahay o bago matulog sa gabi.

Ani Marcial, kailangan ding ipasuri ang linya ng kuryente lalo na iyong may sira o nangangamoy na, na maaaring pagsimulan ng apoy kung hindi maaagapan.

IIkot ang BFP-NCR sa mga istasyon ng bumbero upang suriin ang kahandaan ng mga ito at ang mga barangay upang kalampagin ang mga tao sa mas mataas na antas ng pag-iingat ng mga mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply