BI umamin na may kutsabahan sa pagtakas ng Reyes brothers

UMAMIN kahapon ang Bureau of Immigration (BI) na malaki ang kasalanan nila sa pagtakas ng Reyes Brothers matapos masermonan ni Pangulong Noynoy Aquino kasabay ng kanilang ika-75 anibersaryo.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, may pagkukulang at pananagutan sila partikular sa pagtakas sa bansa nina dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes.

Ang magkapatid ay kapwa akusado sa pagpatay kay broadcaster/environmentalist Gerardo “Doc Gerry” Ortega.

Sa nasabing okasyon, pinasaringan ni PNoy ang mga empleyado at opisyal ng BI sa pagpuslit ng magkapatid noong Marso 18.

Ani PNoy, high profile ang mga akusado at ipinalabas sa lahat ng media ang kanilang mukha kaya hindi dapat walang kahirap-hirap silang nakatakas.

Sinabi pa ni PNoy na hindi pwedeng mangyari ‘yun nang walang naganap na kuntsabahan.

Inakusahan din niyang ‘natutulog sa pansitan’ ang mga BI officials kaya nalulusutan.

Aminado naman si David na nagkaroon ng pagsasabwatan sa pagitan ng ilang empleyado at mga Reyes ngunit inaaksyunan na umano nila ito.

Possible umanong malaking pera ang naging motibasyon kaya nakipagsabwatan ang mga ito.

Sisiyasatin pa umano nila kung mayroon pang ibang BI employees na sangkot dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply