Bidding sa P405-M electronic transmission results services, sa Setyembre 26, na

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa transmission ng resulta ng halalan sa May 2013 midterm elections.

Ito ang inianunsyo ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) ng Comelec kasunod na rin nang pagkabigo ng unang bidding na isinagawa ng poll body para sa nasabing kontrata.

Sa invitation to bid na inilabas ng SBAC, nabatid na ang pre-bid conference para sa mga interesadong bidder sa electronic results transmission services ay isasagawa sa Setyembre 26, ganap na 10:00 ng umaga.

Ang mga bidding documents naman ay maaari ng bilhin sa halagang  P50,000 at kabilang sa requirements sa mga bidder na maaaring lumahok ay yaong nagkaroon na ng kahalintulad na kontrata sa loob ng limang taon.

Nauna rito, nagdeklara ng bidding failure ang Comelec para sa election result transmission matapos na hindi makasunod sa ilang requirements ang lone bidder na Blue Media Communications.

Aabot naman sa P405 milyon ang halaga ng pondo na inilaan ng Comelec para sa nasabing kontrata.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply