Biker sinuwag ng motor, nabalian ng paa sa Kyusi

NABALIAN ng paa ang isang construction worker nang suwagin ng motorsiklo ang kanyang pinapatakbong bisikleta sa Quezon City kaninang umaga.

Isinugod sa General Orthopedic Hospital sanhi ng pagkabali ng buto sa kanang paa ang biktimang si Benjamin Aringo, 45-anyos, walang permanenteng tirahan.

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang naka-motorsiklong suspek na bagamat nakatakas ay matutuntun din dahil nakuha ang plaka ng kanyang motorsiklo.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng North Edsa.

Bago ito, nabatid na pauwi na ang biktima mula sa pinapasukang construction site nang salpukin ng motorsiklo habang nakasakay sa kanyang bisikleta.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima ng ilang metro bago tumama ang ulo sa sementadong kalsada.

Imbes naman isugod sa ospital ay tumakas ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply