Bikers for a cause

NAGSAGAWA ng isang charity event ang grupong Alamat Crewsers Motorcycle Club na ginanap noong Setyembre 14, 2012 sa Roadhouse Manila sa may Mall of Asia.

Isang simpleng grupo lamang ang mga ito limang taon na ang nakakalipas, noong una ay isa lamang silang grupo na nagsasama-sama tuwing Biyernes at halos lahat sila ay cruiser enthusiasts. Ayaw pa nilang bigyan ng pangalan ang kanilang grupo noon at masaya na sila na nameless ang kanilang brotherhood.

At makalipas nga ang panahon, napagdesisyunan ng grupo na bigyan na nang pangalan ang kanilang samahan, at noong Setyembre 13, 2008, pormal na nilang pinangalanan ang kanilang grupo na Alamat Crewsers Motorcycle Club. Kung saan hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsali ng mga cruiser enthusiast sa kanilang samahan.

Bilang bahagi na rin ng kanilang ika-apat na taong anibersaryo, bumuo ang grupo ng isang event for a cause. Maliban ito sa taon-taon na pagbisita nila sa kanilang napiling foundation upang tumulong sa mga special children.

Ngayong taon, nagsagawa ang Alamat Crewsers Motorcycle Club ng bike for a cause at tinawag nila itong “LEGENDS” – A Gathering of Bikers For A Cause. Kung saan sinuportahan ito ng kanilang mga miyembro pati na rin mga kaibigan at mga pamilya. Lahat ng kinita ng grupo sa pamamagitan ng pagbebenta ng ticket ay napunta sa napili nilang foundation na The Chosen Children Village Foundation.

Lubos rin ang pasasalamat ng grupo sa lahat ng sumuporta sa kanilang adhikain na makatulong sa mga nangangailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply