Binata binoga habang nagbibisikleta, kritikal

MALUBHANG nasugatan ang isang 18-anyos na binata nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nagbibisikleta sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jeric Aquino, ng C2 Capulong St., Tondo, ng lungsod sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Road 10 malapit sa Capulong St., ng nasabing lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek, gayundin ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply