Binata kalaboso sa marijuana

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos mahulihan ng mga marijuana sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Rovinick Rivas, 23 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga tanod sa Langaray St., ng lungsod nang mapansin ang suspek.

Dahil hindi pamilyar ang mukha ay sinita ito. Nang kapkapan ay nakuhanan ng dalawang sachet ng marijuana na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply