Binata kalaboso sa panghihimas

MATAPOS manghimas ng kapitbahay, rehas na bakal naman ang hinihimas ng isang binata sa Caloocan City kagabi, Setyembre 25.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Castillo Carias, 24 ng Constellation Homes, Camarin ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Mariel Contiga, 21 ng nasabing lugar, dakong alas-11:00 ng gabi, nagising siya nang maramdaman may humihimas sa kanyang katawan at nang magmulat ng mata ay nakita ang suspek sa kanyang tabi.

Itinulak ng biktima ang suspek na mabilis na tumalon sa bintana at tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan upang damputin ang una at dalhin sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply