Binata na napapaligiran ng tsiks tinodas

TIGOK ang isang binata matapos pagsasaksakin ng grupo habang naglalakad kasama ang apat na bebot sa Navotas kagabi, Setyembre 3.

Dead on arrival sa Navotas Lying-in Clinic si Jhon Paul Ortega, 18 ng Sitio Balot, Tonsuya, Malabon City, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktima ang apat na bebot nang salubungin ng aabot sa 15 kalalakihan sa Sapa St., Tangos ng lungsod.

Walang salitang pinagsasaksak ang biktima bago nagsitakas ang mga salarin.

Dinala naman sa nasabing ospital ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply