Binata nangholdap, kulong

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos maaktuhang hinoholdap ang isang totoy sa Caloocan City kagabi, Setyembre 14.

Nakilala ang suspek na si Japhet Belen, 20 ng Phase 2 ng lungsod habang pinaghahanap ang tatlong hindi pa kilalang mga suspek.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang biktimang edad 13 kasabay ng tatlong kaklase at pagtapat sa Pasvil Terminal sa Phase 2 ay tinutukan ng patalim ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima subalit napadaan ang tatay ng huli na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Hinabol ang mga suspek at si Belen ang inabutan na naging dahilan upang mabawi ang cellphone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply